PESHAWAR, Pakistan (AFP)— Muling nagbukas ang mga eskuwelahan sa northwestern city ng Peshawar sa Pakistan noong Lunes ng umaga sa unang pagkakataon simula nang sumalakay ang Taliban at minasaker ang 150 katao, karamihan ay mga bata.

May 20 sundalo ang nakitang nagbabantay sa pangunahing pasukan ng Army Public School, na may airport-style security gate.

Disyembre 16, 2014 nang salakayin ng isang grupo ng armadong kalalakihan at suicide bombers ang Army Public School sa Peshawar at pinatay ang 150 katao, 134 dito ay mga bata.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza