Nanawagan ang Malacañang sa mga overseas Filipino worker (OFW) na mag-ingat sa kanilang mga ipino-post sa mga social networking site.

Ang nasabing babala ay kasunod ng pagkakatanggal sa trabaho sa Tan Tock Seng Hospital ng isang Filipino nurse matapos kumalat ang kanyang komento sa Facebook na nagsasabing talunan ang mga Singaporean sa sariling bansa at naghangad pa na may mangyaring kalamidad o pinsala sa Singapore.

“Now the Singaporeans are loosers in their own country; we take their jobs, their women, their future, and soon evict all SG loosers (sic) out of their own country hahaha. The best part, I will be praying that disastors (sic) strike Singapore and more Singaporeans die than I will celebrate,” saad sa screen grab sa nasabing FB post.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!