(Reuters)– Ang mga pagkakaiba sa opinyon ang naging dahilan upang maghiwalay ng landas sina Andy Murray at kanyang long-term hitting partner at assistant coach na si Dani Vallverdu, at maging ng fitness trainer na si Jez Green, ayon sa pahayag ng British number one kahapon.

Si Vallverdu ay halos permanenteng presensiya sa tabi ni Murray mula nang magkakilala ang dalawa sa Sanchez-Casal Acedemy sa Spain mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Ngunit ang mga usap-usapan na may hindi pagkakaunawaan sa kampo ni Murray ay nagsilabasan kasunod ng desisyon ng Briton na kunin ang two-time grandslam champion na si Amelie Mauresmo bilang head coach noong Hunyo.

Ito ang naging daan upang ang Venezuelan na si Vallverdu at Green ay putulin ang kanilang ugnayan kay Murray noong Nobyembre.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"The most important point in any team is that everyone has the same vision, everyone wants to move forward together," lahad ni Murray sa The Independent sa Perth, kung saan nagsasanay siya para sa Australian Open ngayong buwan.

"I feel that's what I have now. Maybe the last four or five months of last year it wasn't like that. It's not as much fun travelling when that's the case. If everyone isn't right into it, that isn't how you want to work."

Nang tanungin kung dapat bang naibigay kay Vallverdu ang posisyon kasunod ng paglisan ng dating head coach ni Murray na si Ivan Lendl noong Marso, sagot ng world number six: "That's possible.”

"(But) if you look at last year I spent only one tournament with Ivan, at the Australian Open. The rest of the time I was with Dani every single week. I didn't have another coach travel with me at all.”

"So he was the coach responsible for my training and all my practices at all of the tournaments. Maybe it didn't go as well as either of us would have liked and that's why I felt like I needed someone else."

Habang frustrated si Murray sa kanyang pagkabigong makaabot sa isang grand slam final sa unang pagkakaton sa loob ng limang taon noong 2014, si Vallverdu ay agad na kinuha ng dating Wimbledon finalist na si Tomas Berdych.

"For him to get the opportunity to work with someone like Berdych is fantastic. He's obviously a top player and it will be a good challenge for him," dagdag ng 2013 Wimbledon champion.