Patay ang isang barangay chairman matapos sugurin at pagbabarilin ng isang vendor sa loob mismo ng barangay hall sa Bayan Luma 2, Imus City sa Cavite, nitong Biyernes.

Kinilala ni Cavite Police Provincial Office director Senior Supt. Jonnel Estomo ang biktimang si Sultan Wahid Micawayan Saliling, 39 anyos.

Agad namang nakatakas si Jammy Jamael Macaborod, 30, DVD vendor sa Imus public market, at nakatira rin sa nasabing barangay.

Nabatid na bukod kay Macaborod ay may tatlong tao pa na nagsilbing lookout sa krimen at pinaghahanap na rin ng awtoridad habang inaalam ang motibo sa pagpaslang.
National

'Pinakamataas mula 2008!' Self-rated poverty, tumaas sa 58% nitong Q2 ng 2024