BAGUIO CITY – Dumadanas ang magsasaka sa Benguet ng andap o frost na karaniwang sumisira sa mga pananim kapag mababa ang temperatura sa Benguet, pero wala itong epekto sa supply ng highland vegetables sa merkado.

Matatandaang bago ang Pasko ay nag-over supply na ang mga gulay na ibinibiyahe patungo sa trading post sa La Trinidad at iniulat ng Benguet Farmers Marketing Cooperative (BFMC) na may P500,000 halaga ng repolyo ang hindi naibenta at nabulok lang.

Ayon kay Agot Balanoy, manager ng BFMC, napakaliit lang ng pinsala ng frost sa ngayon at kahit dumami pa ito o bumaba ang temperatura sa Baguio ay hindi ito makaaapekto sa supply ng gulay.

Matatandaang nitong Enero 2 ay bumagsak sa 9 degree Celsius ang temperatura sa Baguio-Benguet. - Rizaldy Comanda
Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>