Monique Wilson

Ni Elayca Manliclic, trainee

MAGKASAMANG humarap sa local media sina Monique Wilson at Eve Ensler kasama ang kinatawan ng Gabriela upang isulong ang One Billion Rising campaign na nananawagan sa pagwawakas ng karahasan sa kababaihan.

Dumating sa bansa ang Tony award winning playwright, performer, at founder ng One Billion Rising na si Eve Ensler, ang sumulat ng The Vagina Monologue upang makipagtulungan kay Monique, ang global director ng One Billion Rising, sa kanilang malakihang pagkilos na isasagawa sa Pebrero 15 dito sa Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mga babaeng walang awang ginahasa at natagpuang patay sa gilid ng tulay, sa ilog, maging sa sarili nilang kuwarto. Parami nang parami ang mga ganitong kaso ng bayolenteng pang-aabuso at pagpatay sa kababaihan. Ayon sa organizers ng One Billion Rising global campaign, lalo pang dumarami ang mga ganitong pangyayari ngayon, kaya panahon na para tutukan ang karapatang pangkababaihan.

Ayon kay Monique Wilson, na isa ring theater and film actress, nananawagan sila para sa kanilang protesta ngayong Pebrero 15. Pagsasayaw ang naisipan nilang panghikayat para makalikom ng mga partisipante mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Nakikiisa ang grupong Gabriela sa kanilang kampanya.

“Violence against women in its various forms have escalated in the past decade and reached record-high figures under the Aquino administration. Acts of violence against women and children are becoming more brazen because we have a government that condones impunity and promotes violence and injustice. There is no other recourse for women but to fight for meaningful and systematic change in society and in government” ayon kay Gabriela Secretary General Joms Salvador.

Dagdag pa ni Salvador, “When you have a government that mentions women’s rights and gender equality only as lip service and instead promotes policies and programs that are detrimental to women and the people, no real could be achieved.”

Hindi lang ang pisikal na pang-aabuso ang tatalakayin, pati ang tamang pasuweldo at iba pang uri ng pang-aabuso.

Maging ang grupong Men Rising ay nakikiisa rin para matigil na ang karahasan laban sa kababaihan.

Layunin ng One Billion Rising ang pagbabago sa trato sa kababaihan sa mga susunod na panahon hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.