KARACHI, Pakistan (AP) – Bumangga ang isang pampasaherong bus sa isang oil tanker sa Pakistan na ikinamatay ng 57 katao noong Linggo, ayon sa mga opisyal.

Ayon kay Dr. Seemi Jamali, ang namamahala sa emergency section sa Jinnah Post Graduate Medical Center sa Karachi na roon dinala ang labi ng mga biktima, tumanggap sila ng 57 bangkay at apat na tao pa ang sugatan.

Aniya, kinakailangan ng DNA test upang makilala ang mga biktima.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3