GINANAP ang pinakaabangang gabi ng parangal ng mga artista sa Hollywood, ang 72nd Annual Golden Globe Awards sa Beverly Hills Hilton Hotel sa California at hosted ng dalawa sa pinakamagagaling na comedienne na sina Tina Fey at Amy Poehler.
Ang Boyhood ni Richard Linklater, na halos 12-taong ginawa, ang nagkamit ng pinakamaraming parangal.
Ang ilan sa iniuwing tropeo ng pelikula ay para sa Best Movie Drama, Best Director para kay Linklater, at ang Best Supporting Actress para kay Patricia Arquette. Hindi lubos maisip na naging mahirap ang labanan ng mga sumaling pelikula at ang isa sa matinding karibal ng Boyhood ay ang Birdman na obra-maestra ni Alejandro Gonzalez Inarritu na nagkamit din ng ilan sa pinakaimportanteng parangal. Kabilang dito ang Best Actor in a Comedy or Musical na nakamit ni Michael Keaton.
Ngunit nakakagulat na natalo ang Birdman ng Grand Budapest Hotel ni Wes Anderson na nagkamit ng Best Film for a Comedy or Musical.
Naririto ang kumpletong listahan ng mga nagwagi:
Best Supporting Actor in a Motion Picture: J.K. Simmons ng Whiplash
Best Supporting Actress in a Series, Mini-Series or TV Movie: Joanne Froggatt ng Downtown Abbey
Best TV Movie or Mini-Series: Fargo
Best Actor in a Mini-Series or TV Movie: Billy Bob Thornton ng Fargo
Best Actress in a TV Series, Musical or Comedy: Gina Rodriquez ng Jane The Virgin
Best TV Series, Musical or Comedy: Transparent
Best Original Score – Motion Picture: Johann Johannsson ng The Theory of Everything
Best Original Song – Motion picture: Glory ng Selma
Best Supporting Actor in a Series, Mini-Series or TV Movie: Matt Bomer ng The Normal Heart
Best Actress in a Motion Picture, Musical or Comedy: Amy Adams ng Big Eyes
Best Animated Film: How To Train Your Dragon 2
Best Supporting Actress in a Motion Picture: Patricia Arquette ng Boyhood
Best Screenplay – Motion Picture: Alejandro Gonzalez Inarritu, Nicolas Giacobone, Alexander Dinelaris, Armando Bo ng Birdman
Best Actor in a TV Series, Musical or Comedy: Jeffrey Tambor ng Transparent
Best Foreign Language Film: Leviathan
Best Actress in a Mini-Series or TV Movie: Maggie Gyllenhaal ng The Honorable Woman
Best TV Series, Drama: The Affair
Best Actor in a TV Series, Drama: Kevin Spacey ng House of Cards
Cecil B. DeMille Award: George Clooney
Best Film, Drama: Boyhood
Best Film, Comedy or Musical: The Grand Budapest Hotel
Best Actress, Comedy or Musical: Julianne Moore ng Maps to the Stars
Best Director: Richard Linklater ng Boyhood
Best Actor, Drama: Eddie Redmayne ng The Theory of Everything
Best Actress, Drama: Julianne Moore ng Still Alice
Best Actor, Comedy, Musical: Michael Keaton ng Birdman
Best Actress in a TV Series, Drama: Ruth Wilson ng The Affair
(AP)