BUTUAN CITY – Isang mangingisda ang nasawi habang nailigtas naman ang kanyang anak ng mga rumespondeng residente matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangkang de-motor bunsod ng malakas na alon at hangin sa karagatan ng Bayabas, Surigao del Sur.

Idineklarang dead on arrival si Jaime Arreza, 56, ng Cantilan, Surigao del Sur nang isugod ng mga residente sa Surigao del Sur Provincial Hospital.

Nasagip ang mangingisdang si Ronniel Arreza, 20, na kasalukuyang nagpagagaling sa ospital.

Nirespondehan ang mag-ama ng mga tauhan ng Bantay Dagat nang makitang nakakapit sa kanilang tumaob na bangka na palutanglutang sa karagatan ng Cantilan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nag-aagaw-buhay na si Jaime nang masagip ng mga residente, ayon pa sa ulat ng pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, pumalaot ang dalawa sa kabila ng malakas na hangin at ulan dala ng masamang panahon. - Mike U. Crismundo