Alexa at Nash

TOTOO kaya ang sinabi nina Nash Aguas at Alexa Ilacad na crush nila ang isa’t isa?

Kasi parang ganu’n lang nila kadaling sinabing gusto nila ang isa’t isa samantalang ‘yung iba naman ay nahihiyang umamin, di ba, Bossing DMB?

Napag-usapan sa thanksgiving presscon ng Bagito sa 9501 Restaurant noong Huwebes ng hapon handog ng Dreamscape Entertainment na very vocal ang dalawang bagets sa pagsasabing gusto nila ang isa’t isa at alam daw ito ng mga magulang nila, wow!

National

MMDA gagamit ng high-tech mobile command center sa SONA

At kampante si Alexa sa sinabi niyang ito dahil mas tumibay daw ang pagkakaibigan nila ni Nash.

“Hindi naman ako natatakot. Alam ko naman po ang ugali ni Nash, ayos naman po. Pati si Mommy, love na love niya si Nash, ang bait-bait nga raw at hindi yumabang.

“Kung may possibility po in the future, kung may gusto pa siya sa akin, at ganu’n din ako, why not?” pagtatapat ng dalagita.

May ganu’n? So looking forward si Alexa na kapag nasa tamang edad na sila at okay pa rin ang nararamdaman nila sa isa’t isa ni Nash ay puwedeng maging sila na ang magkatuluyan?

“Oo naman po. Basta, nasa tamang age na kami, ‘tapos kung okay naman po sa parents namin, wala naman po sigurong problem. Right now, si Nash, pinararamdam niya sa akin ‘yung pag-care niya. Kung gaano siya ka-caring sa akin, na hindi siya ganu’n sa iba.

“‘Yung sa akin, natutuwa ako pero, hanggang du’n lang ‘yun. Oo, sinabi namin na may gusto tayo sa isa’t isa, pero we will treat this as friendship lang talaga,” paliwanag ng dalagita.

“’Yun ang pinaka-importante sa amin, ayaw naming masira (friendship) dahil sobrang saya lang namin kapag magkasama,” dagdag pa ng dalagita.

“Hindi namin siniseryoso ‘yung, ‘Oy, gusto kita, liligawan na kita, ha?’ O, ‘yung, ‘Sige, may gusto ka sa akin, bilhan mo ako ng ganito.’ As in, sobrang friendship lang talaga yung sa amin.”

At hoping na makakapaghintay si Nash kay Alexa kasi dalawang taon ang tanda ni Bagito sa kanyang ‘my girl’.

“Siguro, mai-push natin ‘yan kung halimbawa, 18 na ako. Fourteen pa lang ako, at magpi-fifteen pa lang ako next month February 26, matagal-tagal pa. Sana maghintay-hintay pa siya, kung kaya pa niya, at ‘wag maging inipin,” paliwanag ni Alexa.

Ang pinakagusto raw ni Alexa kay Nash, “’Yung sobrang pagmamahal niya sa kapatid niya, sa family niya in general. Kasi ‘yung baby sister niya, ang sarap tingnan na ‘yung kuya mong sikat, na araw-araw ay busy, ay laging naiisip ang baby sister niya.

“Na ‘pag pumupunta kami out of the country, sabi niya lagi, ‘O, Ma, ‘yung para kay Chloe (batang kapatid ng young aktor). O kaya ‘pag magkasama kami, minsan pagod na siya, o minsan nanonood kami ng sine, naiisip niya na, ‘Oy, si Chloe, walang kasama sa bahay, uwi na tayo’.”

Samantala, mukhang masuwerte rin si Alexa dahil pabor din sa kanya ang magulang ni Nash.

Kaya naman yata andami-daming kinikilig sa tambalang NLex sa Bagito na nagbubukas at nagmumulat sa isip at puso ng mga kabataan gabi-gabi, bago mag TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.