Ni Leslie Ann G. Aquino

“Hindi siya pumipirme sa isang lugar. Hindi siya natutulog. Bigla na lang siyang may ginagawa.”

Ito ang paglalarawan ni Alan Holdren, correspondent ng EWTN Rome, sa 14 na Pinoy journalist na kabilang sa mga magko-cover ng mga kaganapan ng Papa mula sa Rome patungong Sri Lanka hanggang sa Pilipinas.

Kabilang ang grupo ni Holdren sa Vatican Accredited Media Personnel na karaniwang nakabuntot at nag-uulat ng mga dinadaluhan ng Santo Papa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“[Pope Francis] never stops. He keeps on going. He hardly sleeps. He does things spontaneously,” ipinaskil ni Holdren sa kanyang papalvisit.ph website.

Samantala, tinagubilinan ng isang pari ang mga mamamahayag hinggil sa kanilang kritikal na papel, hindi lang sa pagiging propesyunal kundi sa aspetong ispiritwal.

Matapos ang send-off mass sa Pontificio Collegio Filippino (PCF) Chapel sa Rome noong Enero 9, binigyang diin ni Msgr. Wlfredo Andrey, PCF vice rector, na ang pagbisita ni Pope Francis sa Sri Lanka at Pilipinas ay tungkol sa pagpapakalat ng magandang balita hinggil sa pagmamahal at sakripisyo ng Panginoon.

“You also have a mission to bring God’s love… highlight what [Pope Francis’] pastoral visit really is. Spread the good news far and wide through media for people to experience God’s mercy and compassion,” bahagi ng sermon ni Andrey.

“Let’s consider this a great event. You journalists… you are also with him, spread those good tidings through media,” dagdag niya.

Aabot sa 80 mamamahayag ang kabilang sa delegasyon ng VAMP, kabilang ang 14 na Pinoy na makakapiling ang Papa sa kanyang eroplano patungong Sri Lanka at Pilipinas.