ILANG araw bago ang makasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas, mas kikilalanin siya sa isang dokumentaryong The Pope for Everyone na tatalakay sa kanyang mga ibinabahaging aral na lubos na nagpalapit sa kanya sa puso ng publiko ngayong gabi sa ABS-CBN Sunday’s Best.

Simula nang mailuklok siyang pinuno ng Simbahang Katolika, nagsilbing simbolo si Pope Francis o Jorge Mario Bergoglio ng kababaang loob dahil sa kanyang pagiging malapit sa mga ordinaryong tao at pagtuturo ng pagmamalasakit sa kapwa.

Dahil dito, nakuha niya ang paghanga at respeto hindi lang ng mga Katoliko kungdi pati na rin ng mga tao mula sa iba’t ibang lahi at relihiyon. Panoorin ang lahat ng ito at alamin kung bakit siya tinataguriang “the pope for everyone.”

Pero ngayong umaga, huwag ding palampasin ang replay ng Francis: The People’s Pope na nagpapakita sa kinagisnang buhay ni Pope Francis mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang pagtahak sa landas ng paglilingkod bilang pari.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Panoorin ang The Pope for Everyone sa ABS-CBN Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice at ang replay ng Francis: The People’s Pope, 10:45 AM sa ABS-CBN.