Magkakasubukan ang mga miyembro ng training pool at elite athletes na kabilang sa Philippine boxing team bilang bahagi ng pagsasanay at paghahanda ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) sa gaganaping 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16.

Sinabi ni ABAP Executive Director Ed Picson na sisimulan nila, matapos ang pagbisita sa bansa ni Pope Francis, ang kada linggong salpukan o box-off ng national athletes at miyembro ng training pool sa kanilang weight divisions na dedetermina sa ipapadalang boksingero sa kada dalawang taong torneo.

“We are hoping na magkaroon ng sufficient exposures and foreign training ang mga bata. But for now, we will be continuing our daily regimen and our plan of staging a box-off sa mga candidate sa bawat weight division,” pahayag ni Picson.

Hangad ni Picson na mapatupad ang exposures sa iba’t ibang local government units (LGU’s) kung saan ay ihahanay nila ang mga exhibition bout sa elite athletes at pagdiskubre na rin sa mga lokal na boksingero na posibleng maging miyembro ng pambansang koponan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“We wanted it to be held sa iba’t ibang open venues para makita ng LGU’s kung paano isinasagawa ang mga tournament natin. Once a week dapat but we are still looking for LGU’s na pagdadausan. It will be a venue for those local boxers to show na kaya nilang talunin ang national boxers,” sinabi pa ni Picson.

“Kung wala namang lalaban, magiging bahagi na rin iyon ng screening at ranking system kung sino ang dapat na makasama sa national team at maipadala sa SEA Games,” giit ni Picson.

Ipadadala ng ABAP ang apat na kababaihan at anim na kalalakihan sa Singapore SEA Games kung saan ay target nilang magwagi ng mas maraming gintong medalya.

Matatandaan na nakubra ng 10 kataong bumuo sa PH boxing team ang kabuuang 10 medalya sa nakaraang 2013 Myanmar SEA Games.