Masaya at makulay na ipinagdiwang ng Quezon City ang mga tagumpay na nakamit ng lungsod sa loob ng isang taon, sa pangunguna ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Sa kanyang 2014 State of the City Address, inilarawan ni Bautista ang lungsod bilang isang daan tungo sa bagong henerasyon ng pamamahala.
Ipinagmalaki rin ni Bautista ang pag-unlad ng ekonomiya, trabaho, pabahay para sa mga residente na nasa danger zone, mga itinayong gusali na magsisilbing paaralan, at health facilities.
Aniya, kumikilos na ang Quezon City government upang masolusyunan ang unemployment rate. Sinabi ni Bautista na kailangang lumikha ng “more micro entrepreneurs, educate and train more for entrepreneurship and employment, expand access to markets, further improve case in doing business, and lay bigger and more enticing avenues foe investments.”
Malugod na ibinalita ni Bautista ang paglago ng mga negosyo sa lungsod.
“We have been able to increase the number of businesses formally registered in our city to 64,987—the biggest number among all local government units in the Philippines,” aniya.
Nitong Disyembre ay nanatiling no. 1 revenue earner ang Quezon City matapos itong makakolekta ng mahigit P15 milyon, at tinanggap ang 2104 Galing Pook Award para sa Men’s Sundown Clinic, sa Bernardo Park.