Ni JC BELLO RUIZ

Pinaghahanda ng Palasyo ang mamamayan sa mas malaking pagtitipon sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa, partikular sa Maynila at Tacloban City, Leyte.

Kung umabot sa limang milyon ang nagtipon sa Luneta noong bumisita si noon ay Pope John Paul II para sa World Youth Day noong 1995, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na inaasahan ng gobyerno ang mas malaking crowd sa pagdating ni Pope Francis dahil lumobo na ang papulasyon ng Pilipinas sa mahigit 100 milyon mula sa 63 milyon sa nakalipas na 20 taon.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ang limang milyong katao na nagtipun-tipon sa Luneta nang magmisa si Pope John Paul II ay itinuturing na “largest outdoor gathering” ng Guinness Book of World Records.

“Humihiling po kami ng kooperasyon sa lahat. Maghanda po tayo, hindi lamang ispiritwal, subalit maging ang ating pangangatawan at isipan para sa susunod na linggo upang maging matagumpay ang kanyang pagbisita para sa lahat,” pahayag ni Valte sa radyo DzRB.

Idineklara ng Malacañang ang Enero 15, 16 at 19 bilang holiday sa National Capital Region (NCR) bunsod ng papal visit.

Itinuring din ng Palasyo ang Traslacion para sa Mahal na Poong Nazareno noong Biyernes sa Maynila—na mahigit limang milyong deboto ang dumalo sa prusisyon bilang “dry run” ng awtoridad sa pagbisita ng Papa.

Sa Huwebes, Enero 15, darating si Pope Francis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City mula sa Sri Lanka.