Nanawagan si Senator Sonny Angara sa agarang pagpasa ng panukalang batas na naglalayong bigyan ng diskuwento ang mga estudyante sa pasahe sa lahat ng uri ng public transportation utilities kabilang na ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) systems.

“I am appealing to our colleagues here in the Senate to pass our version so as to lessen the impact of current economic difficulties brought by the rising cost, not only of the LRT and MRT fares, but of basic commodities and education as well,” himok ni Angara.

Sa kasalukuyan, ang diskwento ng mga estudyante ay para sa mga jeepney at bus lamang.

Sa Senate Bill No. 203 ni Angara, pagkakalooban ng 20% diskuwento ang mga estudyante sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan -- sa lupa, tubig, himpapawid at rail transport.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez