Unang pagkakalooban ng proteksiyon at tulong ang kabataan sa panahon ng kalamidad base sa isang panukala na inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara.

Tatalakayin sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 5285 o Children’s Emergency and Protection Act ngayong Enero, ayon sa may akda na si Tarlac Rep. Susan Yap.

Sinabi ni Yap na layunin ng panukala na makapagtatag ng isang programa na may tiyak at agarang hakbang upang matulungan ang mga menor de edad na naaapektuhan ng kalamidad.

Aniya, dapat unahing mabigyan ng ayuda ang kabataan tuwing may baha, bagyo at iba pang kalamidad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dapat din silang bigyan ng proteksiyon laban sa mga kriminal na sinasamantala ang sitwasyon upang makapambiktima.

Nakasaad din sa panukala na susubaybayan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kabataang biktima ng mga bagyo na posibleng mabiktima ng mga sindikato o masangkot sa child trafficking at child labor. - Ben Rosario