PARIS (AFP) – Kinondena ng mga imam na French ang mga karahasang ginawa sa ngalan ng Islam sa pananalangin nitong Biyernes sa bansang dumanas ng dobleng hostage drama kasunod ng massacre sa tanggapan ng Charlie Hebdo magazine.
Ang kaparehong mensahe—na nagdistansiya sa limang milyong Muslim sa bansa mula sa mga jihadist na responsable sa pag-atake—ay inihayag din sa mahigit 2,300 mosque sa France.
“We denounce the odious crimes committed by the terrorists, whose criminal action endangers our willingness to live together,” sabi ng rector ng Grand Mosque of Paris na si Dalil Boubakeur.
Umapela rin siya sa “all the Muslims of France” na makiisa sa mga kilos-protesta na pinlano nitong Linggo bilang pakikiramay sa 12 napatay sa pag-atake sa tanggapan ng Charlie Hebdo nitong Miyerkules.
Apat naman ang nasawi, kabilang ang gunman, sa hostage drama sa isang supermarket sa Paris nitong Biyernes.