Nananawagang muli ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa lahat ng Pinoy sa Yemen na agad lumikas at kumuha ng repatriation bunsod ng tumitinding sitwasyon sa pulitika, seguridad at kapayapaan sa nasabing bansa.

Nananatili sa ilalim ng Crisis Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) ang Yemen kasabay ng pagpapatupad ng total deployment ban sa mga overseas Filipino worker at lahat ng biyahe patungo rito kasama ang mga nasa bakasyon at pabalik sa naturang bansa.

Ang mga Pinoy na nais kumuha ng voluntary repatriation ay agad makipag-ugnayan sa Crisis Management Team (CMT) na nakabase sa Sana’a para sa kaukulang ayuda.

Iniapelang muli ng Embahada sa Riyadh ang kanyang panawagan sa mga kababayan sa lahat ng lungsod at rehiyon sa Yemen na mag-update ng kanilang registration sa embassy o kung hindi nakarehistro, punan lamang ang registration form sa website ng www.philembassy-riyadh.org .

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Para sa dagdag na impormasyon, maaaring tumawag ang mga Pinoy sa Yemen sa CMT, Movenpick Hotel Sana’a, Berlin Street, Sana’a, Yemen sa: +967 73 384 4958 at kay Mr. Mohammed Saleh Al Jamal, Honorary Consul, ng Philippine Consulate sa Sana’a na matatagpuan sa Hadda Area, Damascus Street,P.O. Box 1696, Sana’a, Yemen,+967 1 416751,Fax: +967 1 418254,Mobile: +967 777 2 555 11 o mag-email sa [email protected]

Patuloy na tinututukan ng embahada ang sitwasyon sa Yemen at maglalabas ito ng abiso sa Filipino community kung kailangan.