Suportado ni Senator Serge Osmeña, si Department of Justice Secretary Leila de Lima, sakaling italaga ito bilang bagong chairman ng Commission on Election (Comelec).

Si De Lima ay sinasabing malakas na kandidato kapalit ni Sixto Brillantes na magretiro ngayong Pebrero. Tatlong iba pang kumisyuner ang magreretiro din.

Ayon kay Osmeña, sapat ang kakayahan at hindi pwedeng kwestyunin ang kredibilidad ni De Lima bilang pinuno ng Comelec. Ang ama ni De Lima na Vicente, ay dating Comelec commissioner.

Bukod kay de Lima, kinokonsidera rin si Bureau of Internal Revenue (BIR) chief, Kim Henares bilang Comelec chairman.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race