Pinayagan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na makapagpiyansa ang anak ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. na si Sajid Islam Ampatuan.

Ipinalabas ang petisyon to bail resolution ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes at ito ay may kaugnayan sa kasong multiple murder sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Nakasaad sa 12-pahinang Omnibus Order na inaprubahan ang petition for bail ni Sajid subalit ibinasura ang kahalintulad na kahilingan nina Anwar Ampatuan Sr. at Akmad “Tato” Ampatuan, ang anak at manugang ni dating Governor Ampatuan.

Nasa kabuuang P11.6 milyon ang halaga ng piyansa sa 58 counts ng murder o P200,000 kada kaso.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Sinabi ni Judge Reyes na bigo ang prosekusyon na mapagtibay na malakas ang ebidensiya nito para tuluyang idiin sa kaso si Sajid Islam.