SA pagtatapos ng 2014 Metro Manila Film Festival nitong January 7, masayang ipinahayag ni MMDA Chairman at MMFF overall head Francis Tolentino na ang walong entries sa nakaraang pista ng mga pelikulang sariling atin ay kumita ng P1.014B sa box-office.

Ang MMFF tulad ng kinagawian na ay nagbukas noong December 25, Araw ng Pasko.

Ang nasabing figure ay lumampas ng 2.6% sa kinita ng MMFF noong 2013.

Hindi na natinag sa pangunguna sa takilya ang The Amazing Praybeyt Benjamin nina Vice Ganda at Bimby Aquino Yap. Ganoon din ang pumangalawang Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin at ang number three na My Big Bossing at number four naman ang surprise hit na English Only Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bag, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Walong entries ang naglabanlaban sa takilya at sa awards at bukod sa top four box-office cash drawers, kasali rin ang matitinong entries gaya ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo ni Robin Padilla, SRR XV at ang Muslim Magnun 357 ni dating Laguna Gov. ER Ejercito at Kubot: Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes.