SANTA ANA, California (AP) – Inihayag ng mga health official na may kabuuang 19 na tao na bumisita sa mga Disney theme park sa California noong nakaraang buwan ang dinapuan ng tigdas.

Sinabi noong Biyernes ng California Department of Public Health at ng Orange County Health Agency na ang lahat ng pasyente ay bumisita sa Disneyland o Disney California Adventure sa pagitan ng Disyembre 15 at 20.

Ayon sa mga opisyal, 16 sa mga kaso ay nasa California, dalawa sa Utah, at isa sa Colorado.
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25