Isang tricycle driver ang pinagbabaril at napatay ng mga ‘di kilalang salarin sa harapan mismo ng kanyang asawa at dalawang anak habang namamasada sa Port Area, Manila nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni SPO1 John Charles Duran, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Aldrin Barniebo, 24, residente ng Block 2, Habitat, Baseco Compound, Port Area, Manila. Namatay siya habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) bunsod ng isang tama ng bala sa dibdib.

Sa salaysay sa pulisya ni Lorena Diocton, kinakasama ng biktima, namamasada ang asawa, kasama siya at kanilang dalawang anak, nang lapitan sila ng suspek habang nagbababa ng pasahero sa Bonifacio Drive corner 11th St. Port Area dakong 9:24 ng gabi. Bigla na lamang umanong binaril ng suspek ang biktima saka pasimpleng naglakad palayo sa lugar.
National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM