Bumilang na ng dalawang dekada ngunit hindi pa rin natitinag bilang hari ng NCAA football ang San Beda College (SBC) at wala pa ring pagbabago ngayong 90th season ng liga.

Humakbang palapit sa kanilang ikaapat na sunod na titulo ang Red Lions matapos ang kanilang 2-0 paggapi sa College of St. Benilde (CSB) Blazers sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Rizal Memorial Football Stadium.

Matapos makaiskor sa 53rd minute si Jay-R Sandoval, biglang naga-init ang Red Lions sa second half kung saan nagtala pa sila ng dalawa pang goals sa pamamagitan nina Miguel Caindec at Jay Soberano sa 66th at 82nd minutes, ayon sa pagkakasunod, mula sa scoreless deadlock sa first half.

Dahil sa nasabing goal ni Sandoval, tila nabasag ang mga puso ng mga manlalaro ng Blazers, ang koponang bumigo sa Red Lions na makumpleto ang 9-peat, tatlong taon na ang nakalilipas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Target din ng Red Lions ang kanilang ika-12 pangkalahatang titulo sa loob ng nakalipas na 13 taon na nagpapatunay ng kanilang dominasyon sa event.

Samantala, sa isa pang laro, nagwagi rin ang first round second placer Lyceum of the Philippines na tumapos na may 13 puntos mula sa apat na panalo, isang draw at isang talo, kasunod ang Red Lions na nawalis ang anim nilang laro matapos pataubin ang Arellano University (AU), 5-1.