DUBAI, United Arab Emirates (AP) — Isang Saudi blogger na hinatulan noong Mayo ng 10 taon sa kulungan at 1,000 paglalatigo ang hahatawin sa publiko sa unang pagkakataon matapos ang mga panalangin sa Biyernes sa labas ng isang mosque sa Red Sea coastal city ng Jiddah, sinabi ng isang taong malapit sa kanyang kaso noong Huwebes.
Si Raif Baddawi ay hinatulan sa kasong ininsulto niya ang Islam sa isang liberal online forum na kanyang nilikha. Inatasan din siya ng Jiddah Criminal Court na magbayad ng multang 1 million Saudi riyals.