Charlotte Hornets' Gerald Henderson (9) is fouled as Toronto Raptors' Tyler Hansbrough (50) and James Johnson defend during the second half of an NBA basketball game in Toronto on Thursday, Jan, 8, 2015. (AP Photo/The Canadian Press, Frank Gunn)

TORONTO (AP)- Umiskor si Gerald Henderson ng season-high 31 points, habang nag-ambag si Kemba Walker ng 29 upang tulungan ang Charlotte Hornets sa panalo

kontra sa Toronto Raptors, 103-95, kahapon.

Nagsagawa si Walker ng jumper mula sa loob ng 3-point line sa nalalabing 19.6 segundo upang ibigay sa Hornets ang six-point lead patungo sa kanilang ikaapat na sunod na panalo. Nagtala rin ang point guard ng assists at 7 rebounds.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagdagdag naman si Michael Kidd-Gilchrist ng 10 puntos at 12 rebounds.

Pinamunuan ni Kyle Lowry ang Toronto, sariwa pa sa six-game trip, na taglay ang 24 puntos, 7 assists at 7 rebounds. Inasinta ni Lou Williams ang 15 puntos, habang itinarak ni Greivis Vasquez ang 11.

Tinapyas ito ng Toronto sa 99-95, may 42.3 segundo pang nalalabi sa korte, matapos ang tip-in ni Patrick Patterson, subalit hindi pa rin sa nakalapit nang husto. Pinalawig ng Raptors ang kanilang season-worst losing streak sa apat na mga laro.

Makaraang tapyasin ito ni Lowry sa 87-84 sa natitirang 4:47 sa orasan mula sa off-balance layup, rumesponde ang Charlotte sa pagkasa ng anim na sunod na puntos upang kunin ang seven-point lead, may 3:21 pa sa orasan.

Humirit si Vasquez ng 3-pointer sa pagbubukas ng fourth quarter kung saan ay nagsalansan ang Raptors ng pitong magkakasunod na puntos upang tapyasin ang kalamangan ng Charlotte sa 2 puntos bago umatake ang koponan matapos ang timeout.

Hinadlangan ng Hornets ang Raptors sa 14 puntos sa third quarter upang kunun ang 75-66 lead.

Umentra ang Charlotte na may matinding pag-atake sa unang half, ginamit ang 8-1 run para sa 58-53 advantage, na nagbigay daan kay Raptors head coach Dwane Casey para tumawag ng timeout. Nakakuha naman ng maliit na tulong ang hininging timeout, kung saan ay naisakatuparan ni Henderson ang layup sa nalalabing 7:18 sa naturang quarter upang ipagkaloob sa Hornets ang 11-point lead, ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa laro at unang double-digit advantage simula ang pagsasara momento sa unang quarter.

Sinimulan ng Charlotte, ang ikalawang back-to-back sa laro, ang pag-arangkada, ikinasa ang shooting sa 50 percent mula sa field upang kamkamin ang 31-23 lead sa second quarter.

Pinalakas ni Walker ang Hornets na taglay ang 8 puntos, 5 rebounds at 4 assists, isang araw nang tipahin nito ang kanyang ikatlong sunod na 30-point game.

TIP-INS

Hornets: Tumanggap si Hornets coach Steve Clifford ng technical foul matapos na mag-expired ang oras sa second quarter nang makipagtalo ito sa non-foul call, na nagbigay kay Lowry upang pasimulan ang third quarter sa free throw line. Ibinuslo ni Lowry ang free throw upang dalhin ang Toronto sa 53-50 lead.

Raptors: Isinelyo ni Tyler Hansbrough ang unang 3-pointer sa kanyang karera sa natitirang 10:10 sa orasan sa ikalawang quarter. Naimintis ni Hansbrough ang lahat 15 sa kanyang mga nakaraang laro.