CAMP TOLENTINO, Bataan - Naniniwala ang pulisya na walang kinalaman sa kanyang trabaho bilang mamamahayag ang pamamaslang kay Nerlie Ledesma, reporter ng pahayagang Abante, sa Balanga City kamakalawa.

Base sa inisyal na imbestigasyon, agawan sa lupa ang nakikitang anggulo ng pulisya sa pagpatay kay Ledesma.

Sinabi rin ng pulisya na may hawak na silang suspek sa pamamaslang.

Sinabi ni Senior Supt. Rhodel Sermonia, Bataan Police Provincial Office director, ang namumuong alitan ni Ledesma sa ibang opisyal ng homeowners’ association ang posibleng pinag-ugatan sa pamamaril.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon pa sa pulisya, itinalaga ni Ledesma ang kanyang sarili bilang pangulo ng Tagnai Homeowners’ Association at nangungolekta siya ng bayarin mula sa mga miyembro nito, karamihan ay maralitang pamilya.

Ilang beses na ring inireklamo si Ledesma ng kanyang mga kabarangay at ilang ulit na siyang nakatanggap ng banta sa buhay, ayon sa mga imbestigador. - Mar T. Supnad