TANGGAP na ng 54-anyos na Pangulong Noynoy Aquino, na talagang manipis na ang kanyang buhok at tanggap na rin niya ang mga biro at komento tungkol dito, lalo na mula sa kanyang mga kritiko at netizens. Gayunman, sinabi ng binatang Pangulo na patuloy siya sa paggamit ng isang shampoo na para sa kabayo sa pag-asang baka lumago pa ang buhok. Sa interview sa kanya ni Vice Ganda sa Malacañang, gusto ng Pangulo na bata sa kanya ang maging GF niya at mapangasawa upang magkaroon siya ng supling na tagapagmana.

Tama ka riyan Mr. President sapagkat kung ang pipiliin mo ay liyebo 40 o 50 na, maliit ang pag-asang magka-anak ka pa upang siya ay maging Benigno S. Aquino IV. Binanggit niya sa panayam ang dalawang nakarelasyon niya noon, sina Grace Lee at isang hindi pinangalanan, Binanggit din niya ang beauty stylist-writer na si Liz Uy, pero malabo ang pahayag kung naging GF ito.

Habang sinusulat ko ito, dalawang magkahiwalay na petisyon ang isinampa sa Supreme Court laban sa implementasyon sa fare increase ng MRT at LRT nitong Enero 4. Hiniling ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco sa SC na mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) o status quo ante order para ipatigil ang fare adjustments na ipinatupad noong Linggo.

Naniniwala ang Bayan at si Syjuco na ang makikinabang lamang sa pagtataas ng singil sa MRT at LRT ay ang mga pribadong kompanya na nag-o-operate sa mass transit sa kapanganyayaan ng milyun-milyong commuter.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Maganda ang payo ni ex-Sen. Panfilo Lacson na dati ring PNP chief kay PNP Officer-in-Charge Leonardo Espina: “Regain the PNP’s old glory.” Ibig sabihin nito, dapat ang mga pulis ay protector ng bayan at hindi mandurugas ng mamamayan. Si Espina ang hinirang na PNP OIC matapos suspindehin ng Ombudsman si PNP Chief Alan Purisima dahil umano sa kurapsiyon.

Malapit nang dumating sa Pinas si Lolo Kiko, ang simple, mababang-loob na Papa ng may 1.2 bilyong Katoliko. Sabi nga ni Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng CBCP, kailangang gayahin ng mga pari ang kasimplehan at kababaang-loob ni Pope Francis. Sabi pa niya, nakahihiya ang isang paring nang mamatay ay nagkamal pala ng kayamanan!