Enero 10, 1920 nang pormal na inilunsad ang League of Nations matapos mapagtibay ang Covenant. Ang Covenant of the League of Nations ay inaprubahan ng 42 bansa noong 1919.

Ang organisasyong nakabase sa Geneva, na binuo upang mamagitan sa mga alitan ng mga bansa, ay unang ideya ni noon ay United States (US) President Woodrow Wilson upang makamit ang kapayapaan sa Europe.

Gayunman, hindi naging kasapi ng grupo ang Amerika.

Naging matagumpay ang League sa pagtulong na resolbahin ang malalaking alitan ng mga bansa. Napawalang-bisa ang grupo noong 1930s matapos itong mabigong pigilan ang pagsakop ng Italy sa Ethiopia at nilisan ito ng Japan. Ang malalala, nabigo rin itong aksiyunan ang noon ay papasiklab nangWorld War II.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Noong 1945 ay naitatag ang United Nations (UN), nagkaroon ng 50 original signatories at untiunting umani ng suporta mula sa iba’t ibang bansa. Opisyal na tinanggal ang League of Nations noong 1946.