TAWA nang tawa si Jennylyn Mercado sa grand presscon ng bago niyang drama series Second Chances sa GMA-7 nang tanungin kung totoo na nagtaas na siya ng talent fee matapos niyang tanggapin ang kanyang first Actress award sa 40th Metro Manila Film Festival para sa movie niyang English Only Please.“Naku, hindi po!” sagot ni Jen.
Bonus na po iyong award, ang talagang ipinagpasalamat ko, nagustuhan ng mga tao ang at lumabas silang masaya sa napanood At by word of mouth, umakyat po kami sa ranking ng festival entries.”
Hindi ipinagkaila ni Jen na binigyan sila ng ng Quantum Films dahil sa success ng movie.
Kung nagpatawa si Jen sa English Only, balik na siya ngayon sa pagpapaiyak ng televiewers sa Second Chances. Ito ang follow-project niya after ng pinag-usapan ding pagganap niya ng triple characters sa Rhodora year.
Sa pilot week pa lamang, nag-start siya na masaya sa piling ng husband niya played by Alandy and their son, pero napatay ang ito at naiwan siyang mag-isa.
Huwag ninyo i-miss ang drama series namin dahil story ito ng ilang tao na nagdaan sa masamang karanasan na mabibigyan ng second chances pero may mga twists sa story. Sino ang magiging ka-second chances ko, si Raymart Santiago) ba o si Rafael (Rosell). At ano ang magiging kaugnayan ko kay Camille (Prats) na may bipolar syndrome at lagi niyang nakukuha ang gusto niya.”
Magandang natapos ang 2014 at nagsimula ang 2015 with a bang for Jennylyn. Ano kaya ang dahilan?
“Siguro po dahil nagpaka-positive na ako, na-realized ko rin na malaki ang maitutulong nito sa akin, kinalimutan ko na iyong naging bad vibes, nakatulong po itong story ng Second Chances na sinimulan ko nang gawin no’ng nagsu-shooting ako ng English Only, Please.”
Iri-release na rin ni Jen ang new album niya sa GMA Records, in time sa Valentine concert niya on February 13 sa SM North EDSA’s Skydome titled “My Funny Valentine on Friday Duh 13th.”
Kumusta naman ang lovelife niya? Ngayong magkasama sila ni Raymart sa soap, muling nabuhay ang issue sa kanila.
“Hindi po ako magtataka kung maging issue muli dahil dati na ngang issue, pero napatunayan namang hindi po totoo. Naging close kami noon ni Raymart nang ipakilala niya ako sa triathlon team niya. Nagustuhan ko at kahit wala na si Raymart tuloy pa rin ako sa triathlon team niya.”
Pinanindigan din ni Jennylyn na walang balikang nangyayari sa kanila ni Dennis Trillo. Nagkikita man daw sila, iyon ay kapag sumasali ang actor sa kanilang triathlon team.
And Second Chances ay mapapanood simula sa Lunes, January 12, sa GMA-7 pagkatapos ng Once Upon A Kiss, kasama nina Jen at Raymart sa cast sina Chynna Ortaleza, Gerard Pizzara, Frencheska Farr, Miriam Quiambao, Migs Cuaderno at Roi Vinzons, directed by Laurice Guillen.