GAGANAP sa Maalaala Mo Kaya ang Kapamilya teen star na si Jairus Aquino bilang si Andre, isang teenager na pinagsisikapang abutin ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanyang pambihirang sakit sa kalamnan na tinatawag na Muscular Dystrophy.

Mapapanood ngayong gabi kung paano nananatiling positibo sa buhay si Andre at nabuhay nang normal sa tulong ng kanyang ama na si Rodolfo (gagampanan ni Dominic Ochoa) na laging pinalalakas ang kanyang loob.

Pero mayayanig ang mundo ni Andre sa sandaling mawala sa kanyang tabi ang pinakamamahal niyang ama. Maglalaho ba ang kanyang pag-asa sa buhay o patuloy niyang pagsusumikapang abutin ang kanyang pangarap na binuo niya kasama ang kanyang ama?

Tampok din sa MMK episode na ito sina Lara Quigaman, Eliza Pineda, Angelo Ilagan, at JB Agustin, mula sa script nina Mary Rose Colindres at sa direksiyon ni Raz de la Torre.
National

Guo, nag-sorry kay SP Chiz: 'Wala po akong intensyong diktahan ang Senado'