PARIS (AP/AFP)— Narinig ang mga putok ng baril, habulan ng sasakyan at may tinangay na hostage sa hilagang silangan ng Paris noong Biyernes, sa pagtutugis ng mga awtoridad sa magkapatid na lalaking suspek sa masaker ng 12 katao.

Habang isinusulat ang balitang ito, nagaganap ang hostage drama sa Dammartin-en-Goele, sa north-east ng Paris, at nangyari 48 oras sa malawakang pagtutugis sa Islamist gunmen na umatake sa satirical French weekly na Charlie Hebdo noong Miyerkules.

Hindi pa malinaw kung ilang tao ang hinostage at kinukumpirma pa ang balitang may isang namatay.

Mahigit 88,000 security forces ang ipinakalat sa mga lansangan ng France. Pinalawak din ang maximum terror alert mula Paris hanggang sa northern Picardie region para mahuli sina Cherif Kouachi, 32, at Said Kouachi, 34.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sinabi ng isang mataas na opisyal ng US noong Huwebes na ang nakatatandang Kouachi ay bumiyahe at nagsanay sa Yemen, ngunit hindi pa malinaw kung naroon siya para sumali sa mga extremist group gaya ng al-Qaida in the Arabian Peninsula, na nakabase roon.

Ito ang pinakamadugong terror violence sa France sa loob ng mahigit kalahating siglo. Pinatay ang ilaw ng Eiffel Tower noong Huwebes ng gabi bilang pagsaludo sa mga biktima. Pagsapit ng tanghali, huminto ang orasan sa Paris Metro at naghari ang katahimikan malapit sa Notre Dame Cathedral.

“France has been struck directly in the heart of its capital, in a place where the spirit of liberty — and thus of resistance — breathed freely,” ani French President Francois Hollande, kasabay ng panawagan ng tolerance – kasama ang mga residente, turista, mga lider ng Muslim.

TERROR NO MATCH FOR FREEDOM

Noong Huwebes, biglaang bumisita si US President Barack Obama sa French Embassy sa Washington upang makiramay.

Isinulat niya sa isang condolence book, “As allies across the centuries, we stand united with our French brothers to ensure that justice is done and our way of life is defended. We go forward together knowing that terror is no match for freedom and ideals we stand for - ideals that light the world.”

HUMAN CRUELTY

Sa Vatican City, nagdaos si Pope Francis ng Misa bilang pag-alala sa mga biktima ng Charlie Hebdo massacre, kinondena ang “human cruelty” na kayang gawin ng tao.

Humiling si Francis ng panalangin para sa mga biktima sa simula ng Misa at sinabing “we also ask for those who are cruel so that the Lord may change their heart.”

Nagpadala rin si Francis ng one-line tweet mula sa kanyang @Pontifex handle: #PrayersforParis.

MASS CASUALTY ATTACKS

Nagbabala ang pinuno ng domestic spy agency ng Britain na MI5 noong Huwebes na nagbabalak ang mga militanteng Islamist sa Syria ng “mass casualty attacks” sa West at maaaring walang magawa ang intelligence services para mapigilan ang mga ito.

“We know... that a group of core al-Qaeda terrorists in Syria is planning mass casualty attacks against the West,” pahayag ni Andrew Parker sa mga mamamahayag sa London isang araw matapos ang Islamist attack sa Paris na ikinamatay ng 12 katao.

“Although we and our partners try our utmost, we know that we cannot hope to stop everything,” aniya.

“We still face more complex and ambitious plots that follow the now sadly well-established approach of al-Qaeda and its imitators -- attempts to cause large-scale loss of life, often by attacking transport systems or iconic targets,” ani Parker.