Dahil sa pangambang hindi na siya bumalik sa Pilipinas, hiniling ng prosekusyon sa Sandiganbayan na huwag pahintulutan si dating First Gentleman Miguel “Mike” Arroyo na makabiyahe sa ibang bansa.

Sa kanilang pagkontra sa mosyon ni Arroyo na makabiyahe sa Japan at Hong Kong sa Enero 22-30, iginiit ng prosekusyon na dahil sa bigat ng kaso na kinahaharap ng dating unang ginoo na may posibilidad na masentensiyahan ito, maaari umano itong maging motibo upang tuluyan siyang magtago sa ibang bansa kung papayagang makaalis sa Pilipinas.

Sinabi ng prosekusyon na walang sapat na dahilan upang pahintulutan ng korte na magtungo si Arroyo sa Japan at Hong Kong.

“The accused-movant has failed to demonstrate that there is an extremely urgent reason for him to travel to Japan and Hong Kong,” giit ng prosekusyon.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Pansamantalang nakalalaya si Arroyo matapos siyang payagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa sa magkahiwalay na kasong graft kaugnay ng naudlot na $329-million National Broadband Network deal at maanomalyang pagbebenta ng mga segunda-manong helicopter at pinalabas na mga bagong unit sa Philippine National Police (PNP) na nagkakahalaga ng P104 milyon.