Kinumpirma kahapon ni Pangulong Benigno S. Aquino III na gagawin na niyang permanente bilang kalihim ng Department of Health (DoH) si acting Secretary Janette Garin.

Ito ang inihayag ni PNoy kasabay ng pagsasabing kuntento siya sa performance at walang nakikitang dahilan para hindi gawing permanenteng kalihim ng kagawaran si Garin.

“Maganda naman ang performance ni Garin, nakikita naman na epektibo siya sa kanyang tungkulin kaya dapat lang na pormal na siyang iluklok sa puwesto bilang Health Secretary,” pahayag ni PNoy.

Si Garin ay itinalaga bilang pansamantalang kalihim ng DoH matapos magbitiw sa tungkulin ni dating Health Secretary Enrique Ona.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ginawa ang pahayag ng Pangulo matapos magharap sina Garin at Ona kaugnay ng pagpapatigil ni Garin sa testing ng gamot para sa dengue.