Kinumpiska ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang isang parsela na naglalaman ng 1,010 tableta ng methylenedioxymethamphetamine (MDMA), na kilala bilang “ecstasy,” na tinatayang nagkakahalaga ng P1.515 milyon.

Naharang ang naturang parsela base sa derogatory information na ipinarating sa BOC, na ipinadala sa koreo ang mga droga ng isang J. Vermolen mula sa Netherlands noong Disyembre 9, 2014 sa isang Martin Sean Duenas, na nakatira sa Sinag Tala Village, BF Homes, Parañaque. Dumating ang parsela sa Parañaque Post Office noong Disyembre 22, 2014 at sumailalim sa pisikal eksaminasyon.

Ang mga kinumpiskang “ecstasy” ay isinuko na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). - Mina Navarro

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'