NGAYONG Sabado, samahan ang buong tropa ng Pop Talk na kilalanin ang mga artista na bukod sa pagiging busy sa kanilang showbiz commitments, busy rin sa kanilang mga business!

Bilang buena-mano sa bagong taon, naghanap ang Pop Talk ng tatlong bagong restaurant na pag-aari ng mga celebrity idol. Isasalang sa review ang Speakeasy sa Makati na pag-aari ng Kapuso star na si Gwen Zamora, ang Brasas sa Makati rin na itinayo naman ni Carlos Agassi; at ang Concho’s Home of Sisig Goodness sa Marikina na business venture naman ng Callalily frontman na si Kean Cipriano.

Makakasama ng Pop Talk host na si Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang chef/resto owner na si Chef Jackie Laudico, ang Dance Diva ng Eat Bulaga na si Dasuri Choi, at ang Kapuso heartthrob na si James Wright. Huhusgahan nila ang mga resto base sa criteria na ’food,’ ‘place,’ at ‘price.’

Alin kaya sa mga celebrity-owned resto na ito ang pop o flop? Abangan sa Pop Talk ngayong Sabado, January 10, 8 PM sa GMA News TV.
National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina