Isasagawa na sa dinarayong lungsod ng Cebu ang National Finals ng 2015 Batang Pinoy na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ito ang kinumpirma ni Batang Pinoy program Commissioner-in-Charge Atty. Jose Luis Gomez matapos sumang-ayon ang administrator ng Cebu City na ganapin sa tinaguriang “Queen City of the South”.

Katatapos lamang isagawa ang 2014 Batang Pinoy National Finals sa ikalawang sunod na pagiging host ng Bacolod City kung saan ay nagwagi bilang overall champion sa unang pagkakataon ang Cebu City.

Inaasahang tatangkain ng Cebu City ang back-to-back overall title sa National Championships kung saan ang torneo ay bahagi ng grassroots sports development program ng bansa para suportahan ang pambansang koponan at ilang kabataang atleta na napahanay upang maging iskolar sa kolehiyo.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Cebu will be the host of the Batang Pinoy National Finals. However, we are still on the look of other cities that are more than willing to host the Visayas and Luzon leg,” paliwanag ni Gomez.

Isasagawa naman sa Koronadal City ang Mindanao qualifying leg ng torneo na siyang unang yugto ng Batang Pinoy sa 2015.

Matatandaan na nabigo ang Koronadal City na maging host ng Palarong Pambansa na isang prestihiyosong torneo na para rin sa kabataang atleta.