Ricky Davao

HINDI maiwasang interbyuhin si Ricky Davao tungkol sa actress-of-the-hour na si Jennylyn Mercado sa presscon Second Chances ng GMA Network.

Si Ricky kasi ang may pinakamaraming eksena kasama ni Jennylyn sa drama series. Siyempre, hindi mahila si Jennylyn crowd dahil bukod sa siya ang pinalakpakan nang husto among the cast of Second Chances ay mabangung-mabango sa movie press dahil sa pagkakapanalo niya ng best award para sa English Only, Please ng Quantum thanks to his katambal na si Derek Ramsay at director nilang si Dan Villegas.

Gaano nga ba katindi ang sex appeal ni Jennylyn na tinutuklas maging ng mga kapwa babae?

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi madaling maakit ang mga tulad nina Manzano, Dennis Trillo, Patrick Garcia, Herras and lately the former President and Manila Mayor Joseph Estrada.

Nakaligtas lang daw si Derek Ramsay sa kanyang alindog dahil matindi itong pinagdaraanan habang sino-shoot nila ang award-winning indie movie na extended pa hanggang ngayon at nalagpasan pa ang Kubot: The Aswang Chronicles na ginastusan ng sampung beses kumpara sa puhunan ng English Only, Please.

Saksahan ng tindi!” hindi inaasahang seryosong sagot ni Davao. “Tuwing darating si Jennylyn sa taping, tiyak na makakaagaw siya ng atensiyon namin. Bukod sa maganda, siyang parang bagong ligo. Preskung-presko ang dating at napakaaliwalas ng mukha. Napakakinis din ng kutis at parang walang kalibag-libag.”

Isang actress lang ang may ganito ring appeal, si Vilma Santos. Marami kaming pinagsamahang pelikula ng Star for All Seasons, para din siyang bagong paligo lagi. Parang ang bango-bango hindi tumatanda.”

Hindi pa rin daw na nakaka-move on si Jennylyn sa pagkakapanalo ng best actress award.

“Sabi ko naman sa kanya, ang sarap talaga ng ganyang feeling. Halos hindi ka umaarte. Hindi rin nag-i-effort dahil magaan ang mga eksena.

“Noon daw kasi sa pelikulang Rosario, malaking effort ang ibinuhos niya hindi lamang sa kanyang look dahil period movie iyon at nagre-require ng heavy acting and emotions. Pero, wala. Hindi niya nakuha ang inaasahang best actress award.

“Patuloy niyang pinag-aaralan ang buong pelikula at ang mga kasama niya sa simpleng kabuuan nito at nagtatanong sa sarili kung kailan mauulit ang gabing iyon.”

Naalala rin ni Ricky ang rape scene niya kay Jennylyn sa Rosario.

“Hindi ko naman maiiwasan na may maramdaman sa eksenang iyon. Pero, kailangang magpigil. Kilala ako bilang very professional, kaya pinigil ko siyempre ang sarili ko. Iniksian pa ni Direk Albert (Martinez) ang rape scene namin. Biniro ko nga si Direk Albert na baka ang gusto niya’y siya ang lumugar sa role ko. Iyon, nahipu-hipo ko ang kutis niya na napakakinis at wala ngang kalibag-libag,” natatawa niyang patuloy.

Itinuturing din ni Ricky na pinagpala siya bilang isang alagad ng sining dahil kapag wala siyang dinidirek na proyekto, may alok naman siya para umarte sa teleserye o pelikula.

“Pero hinahanap- hanap ko rin ang teatro. Food for the soul kasi iyon para sa mga katulad ko. Ang malaking kaibahan lang, eh, kailangan talagang magsakripisyo dahil sa tagal ng rehearsals, stage presentations at kailangang nakapag-ipon ka para matutustusan ang lahat ng gastusin.”

Maninibago ang mga may hang-over pa sa English Only, Please dahil kakaibang Jennylyn ang mapapanood nila sa Second Chances.