VIGAN CITY, Ilocos Sur— Posibleng tuluyan nang mawala ang ipinagmamalaking “Vegetable Bowl of The North” sa bayan ng Catalina dahil sa pagkakalat at pagsusunog ng mga residente ng kanilang basura sa tabing dagat at ilog sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Ma. Venus Junio, Regional Information Officer, matindi na ang epekto ng climate change sa bansa at sa buong mundo kayat dapat mamayani ang political will ng mga namumuno sa pagpapatupad ng solid waste management act alinsunod sa local government code.
Sinabi ni Provincial Environment and Natural Resources Officer Benjamin Abucay na ang pagtatanim ng punongkahoy sa mga kabundukan at iba pang liblib na pook sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at non government organizations (NGO’s) ay malaking kontribusyon upang maipreserba muli ang kalikasan at malabanan ang climate change.