CAMP TOLENTINO, Bataan- Dead on the spot ang babaeng mamamahayag ng isang tabloid makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Barangay Tuyo, Balanga City.

Ang biktima ay nakilalang si Nerlita Tabuzo Ledesma, 48, reporter ng pahayagang Abante at residente ng Sitio San Rafael, Barangay Tuyo sa naturang siyudad.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 8:00 ng umaga noong Huwebes, nag-aabang ng masasakyang tricycle ang biktima nang lapitan ng dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo at pinagbabaril.

Away sa lupa ang sinisilip na motibo sa pamamaslang. - Ronald Supnad
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25