INAMIN ng beteranong 60 Minutes correspondent na si Steve Kroft ang kanyang nagawang panloloko sa kanyang asawa na si Jennet Conant.

“I had an extramarital affair,” pagsisiwalat ni Steve, 69, sa Page Six. “That was a serious lapse of personal judgment and extremely hurtful to my wife and family, and for that I have nothing but regret. My wife and I are committed to each other and are working hard to get past this, and consider it a private matter.”

Unang nalaman sa National Enquirer ang pangangalunya ni Steve sa New York lawyer na si Lisan Goines. Base sa tabloid, niligawan ng CBS journalist si Goines nang magkakilala sila sa St. Regis hotel bar sa Manhattan noong 2011.

Nilinaw ng respetadong manunulat — na naglilingkod sa 60 Minutes sa loob ng 26 na taon at sa CBS ng 31 taon — sa Page Six na ang kanyang pangangaliwa ay hindi nakaapekto sa maayos na pagtupad niya sa kanyang trabaho.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“This was a personal failure, not a professional one,” pahayag ni Steve, “and had no impact whatsoever on my job as a journalist.”

Matatandaang ikinasal si Steve at ang asawa niya noong 1991 at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. - US Weekly