Bubuuin ng pinakamahuhusay na manlalaro mula sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang pambansang koponan sa men’s at women’s basketball na isasabak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa darating na 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Ito ang ipinahayag ng pamunuan ng SBP sa 2015 Team Philippines SEA Games Task Force matapos na isumite ang kabuuang 50 manlalaro sa kalalakihan at 58 naman sa kababaihan na nasa training pool. Hindi pa kasama dito ang mga pangalan ng mga pinagpipiliang coaches na hahawak sa dalawang koponan.

“They submitted all the names that are in their training pool, in both men and women,” sinabi ni SEA Games Chef de Mission Julian Camacho, siya ding secretary general ng Wushu Federation of the Philippines (WFP).

“They (SBP) said they will still have to conduct their series of try-out before submitting to us their final lineup days before the deadline of submission of the entry by names,” pahayag pa ni Camacho. “They will also finalized from the list of candidates iyong coaches na hahawak sa men’s team at sa women’s

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

team,” giit pa nito.

Inaasahan naman na bubuuin ng ipinadalang koponan sa makasaysayang FIBA World Under 18 Championships ang komposisyon ng mga kabataang manlalaro na isasabak sa kada dalawang taong torneo na gaganapin sa Hunyo 5 hanggang 16.

Samantala, nagsumite ng kabuuang 90 pangalan sa Task Force ang asosasyon ng swimming subalit 20 pa lamang ang may pangalan o kalakip ang kinakailangang dokumento at passport.

Ang athletics, na isa sa dalawang sports na may nakatayang pinakamaraming medalyang mapapanalunan at ang swimming, ay hindi pa rin opisyal na nagsumite ng listahan ng kanilang mga isasaling atleta.