Kaugnay ng pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas, naglabas na ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng mga commemorative stamps.

Ito ang naging resulta sa ginawang on-the-spot design competition sa “Papal Visit Stamp” kung saan apat na natatanging likhang-sining ang pinili mula sa daan-daang lumahok sa kumpetisyon.

Ang selyo ay mabibili na sa halagang P10 bawat isa. Ang apat na disenyo ng selyo ay likha nina Dave Arjay Tan, Salvador Banares Jr., Don Michael Bryan Bunag, at Mark Leo Maac.

Kasabay nito, nakipag-ugnayan na rin si Postmaster General Josie Dela Cruz sa pamunuan ng PHLPost ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) upang personal na maipakita ang mga selyo sa Papa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maaari nang mabili ang mga selyo sa PostShop, Philately sa Museum Division, Manila Central Post Office, Door 203, Liwasang Bonifacio, 1000 Manila at sa lahat ng mga regional office ng PHLPost. - Mina Navarro