ni Remy Umerez

INILAHAD ng pamunuan ng TV5 ang ilang new shows na kanilang sisimulan ngayong 2015.

Kabilang dito ang Mac & Cheese with Derek Ramsay, Empoy at Bianca King, ang Two and 1/2 Dads sa pangunguna nina Robin Padilla,Rommel Padillaat BB Gandanghari, ang Solved na Solved nina Gelli de Belen, Arnel Ignacio at Atty. Mel Santamaria at ang Hiling Galing with Hayden Kho and Edinel Calvario.

Hosts naman ng Move It: Clash of the Street Dancers sina Jasmine Curtis Smith at Tom Taus. Sasabak naman sa acting ang ilang basketball stars kasama si Ogie Alcasid.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Namuo ang ilang agam-agam mula sa televiewers na aming nakausap. Ayon sa kanila, salat ang TV5 sa new talents na may potential na sumikat at pinaiikut-ikot na lang ang ‘has-beens’ talent na noon pa man ay hindi umaabante ang career.

May mga nagdududa rin kung paano tatanggapin ang Two and 1/2 Dads dahil may viewers na medyo asiwa pa rin sa kilos at pananamit ni BB Gandanghari.

Alin nga kaya sa nabanggit na shows ang hahataw at alin ang matutsugi agad sa ere?

Samantala may industry observers na naniniwalang hindi sa entertainment papalo nang husto ang TV5 kundi sa larangan ng sports. Korek kayo diyan, mga kapatid.