(Reuters Health) – Isa ang avocado sa mga pagkaing nakakapagpabalanse at nakakapagpababa ng masamang kolesterol sa katawan, ayon sa isang pag-aaral.

Hindi ibig sabihin nito na basta na lamang idadagdag ang avocado sa iyong mga kinakain araw-araw. Sa halip, ayon sa mananaliksik, ang avocado ay makatutulong upang mabawasan ang low-density lipoprotein (LDL) cholesterol kung isasama sa healthy diets.

“They shouldn’t just add an avocado to their diet, but it would be good if they incorporated an avocado into a healthy diet,” paliwanag ni Penny Kris-Etherton, namamahala sa American Heart Association’s Nutrition Committee at isang nutrition expert sa Pennsylvania State University sa University Park.

Ayon kay Kris-Etherton at kanyang mga kasamahan sa Journal of the American Heart Association, kinakailangan kumain ng mga tao ng heart-healthy diet upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit sa puso.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aabot lamang sa lima hanggang anim na porsiyentong calories mula sa saturated fatty acids na nakukuha sa butter, taba ng karne at keso. Sa halip na saturated fats, kailangan itong palitang ng polyunsaturated at monounsaturated fatty acids.

Isang eksperimento ang tinawag na Mediterranean diet na binubuo ng extra-virgin olive oil o mixed nuts na 30 porsiyentong makatutulong upang maiwasan ang cardiovascular problems katulad ng stroke at atake sa puso.

Isa ang avocado sa pinagmumulan ng monounsaturated fatty acids, ngunit mayroon pa itong ibang tinataglay na kapaki-pakinabang sa malusog na katawan katulad ng vitamins, minerals at fiber, ayon sa mga mananaliksik.