Inulan ng batikos sa social networking site ang panukala ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na pagsuotin ang mga traffic enforcer ng diaper sa pagpapanatili ng kaayusan sa Pista ng Mahal na Poong Nazareno ngayong Biyernes.

Bumaha ng kritisismo laban kay Tolentino sa Facebook at Twitter matapos maipaskil ang ulat hinggil sa kanyang panukala.

Nagkaisa ang mga netizen sa pagsasabing bukod sa nakakainsulto ang pagpapasuot ng adult diaper para sa mga rumorondang traffic enforcer at sidewalk clearing personnel ay hindi rin ito komportable lalo na kung basang-basa na sa loob.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Habang ang iba ay hinamon si Tolentino na magsuot ng adult diaper upang mapatunayan niya kung talagang epektibo ito.

“Diapers are used by Beijing police during the 2008 Beijing Olympics and used by National Aeronautics and Space Administration (NASA) during all space shuttle launches and reentry into the earth atmosphere,” depensa ni Tolentino.

Sa kanyang panig, sinabi ni Carlos na pinag-aralan nila ang panukalang pagsuotin ng diaper ang kanilang tauhan.

“Ang bilis nilang bumatikos. Pero seryoso kami sa pagkakaroon ng mga epektibong paraan upang mapaglingkuran ang mga mamamayan,” giit ni Carlos.