Inungusan ng Bread Story-Lyceum ang Wang’s Basketball, 97-94, sa overtime kahapon sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Bunga ng nasabing panalo, nagkaroon pa ng pag-asa ang Bread Story upang makahabol sa huling slot sa playoff round sa kanilang pag-angat sa barahang 3-5 (panalo-talo).

Gayunman, hindi na nila hawak ang kanilang kapalaran dahil kailangan nilang mawalis ang huli nilang tatlong laro at umasang matalo ang mga koponang kadikit nila na gaya ng AMA na may 3-6 at Tanduay (4-5) na may laro pa kahapon habang isinasara ang pahinang ito.

Nagtala ng tig-18 puntos sina Jackson Corpuz at Jiovanni Jalalon upang pangunahan ang nasabing panalo ng Bread Story habang nawalan naman ng saysay ang 23 at 20 puntos nina Paolo Pontejos at Mark Acosta, ayon sa pagkakasunod, dahil nalaglag ang Wang’s sa kanilang ikaanim na kabiguan sa loob ng walong laban.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Naihatid ni Pontejos ang laro sa extension kasunod sa isang layup, may nalalabi pang 3 segundo sa regulation, pagkatapos ng split sa charities ni Dexter Zamora, 83-all.