HINDI namin napanood ang episode ng KrisTV na may binanggit daw si Kris Aquino na magpapahinga muna siya sa 2015 Metro Manila Film Festival dahil masyado siyang napagod bilang co-producer ng Feng Shui 2 na kasalukuyan pa ring kumikita sa 148 na sinehan at nagtala na ng P222,572.763.32 as of January 7, 2015.

Kris Aquino

Marami ang nagtataka kung bakit ayaw na munang sumali ni Kris sa MMFF gayong blockbusters naman lahat ng entry niya. In fact, ni minsan ay hindi pa siya nakatikim ng flop simula ng magsimula siya sa showbiz.

Kaya tinext at tinanong namin ang Queen of All Media tungkol dito kahapon at inamin niyang napagod siya talaga kaya gusto niyang magpahinga.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Ayoko munang mag-movie, Regg, I want to prioritize my good health,” diretsong sagot sa amin.

Kaya ang nababalitang movie project nila ni Derek Ramsay na prodyus ng Regal Entertainment ay maisasantabi muna, base sa intindi namin sa sinabi ni Kris na ayaw muna niyang gumawa ng pelikula.

At dahil kumita at bawing-bawi na ni Kris ang ipinuhunan niya sa Feng Shui, nangangahulugan ba na tuluy-tuloy na ang pagbubukas ng ikalawang franchise niya ng Chow King?

Agad kaming kinorek ni Kris, “Mauuna my share in a Jollibee, 20% only in the South.”

Sa madaling salita, matutupad na rin ang pangarap ng Queen of All Media na magkaroon ng Jollibee branch na hindi naman binanggit sa amin ang eksaktong location kung saan sa South, pero pakiwari namin ay bandang Alabang dahil maraming bagong malls doon.

Hindi rin daw si Dominic Hernandez na kapartner niya sa Chow King ang kasosyo ni Kris sa Jollibee kundi ibang tao na ayaw niyang banggitin for security reasons.

Samantala, ayaw nang patulan ni Kris ang tsikang ka-cheap-an ang guesting ni Pangulong Noynoy Aquino sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda na ipinalabas noong Linggo, Enero 4.

Ang tanging sagot ni Kris, “Naku Reg, #POSITIVITY 2015.”

Bagamat iilan lang naman ang nang-iintriga o nangnenega, nakakataka kung bakit sinasabing ka-cheap-an ito, e, ang dami kayang nalaman tungkol kay PNoy dahil maski na ginawang katatawanan ni Vice ang mga tanong ay magaganda ang mga sagot ng Pangulo.

Halos lahat nga ng kakilala namin sa ibang bansa ay tumutok din pala sa GGV dahil kay PNoy, gusto rin nilang makitsismis kung ano ang latest sa buhay niya at hindi na lang puro problema sa bansa ang pinag-uusapan.

Oo nga, hindi nga maputol ang tawa namin habang pinapanood namin sina Vice at PNoy dahil akalain mo, hindi napikon ang presidente sa mga ipinagtatanong sa kanya ng komedyante.

Tulad halimbawa nang tanungin ni Vice kung anong shampoo ang gamit ni PNoy na kaagad namang sinagot ng, ‘Clear (shampoo)’ na sinundot kaagad ng TV host/actor ng, “Kitang-kita naman po.”

Nalaman din na pagkatapos pala ng term ni PNoy bilang presidente ay aasikasuhin naman niya ang personal niyang buhay dahil plano niyang mag-asawa ng mas bata sa kanya para magkaroon pa sila ng anak. Oo nga naman, dahil kung kasing-edad niya ang makakatuluyan niya, e, baka mahirapan na siyang bigyan ng tsikiting.

At ang nakuhang ratings ng GGV ay 22.5% sa Metro Manila kaya obviously, maraming nanood at nag-enjoy.