Karylle-copy-444x500

MAG-IISANG taon nang kasal sina Karylle Tatlonghari at ang soloista ng Spongecola na si Yael Yuson sa Marso. Aminado ang It’s Showtime co-host na marami silang nadiskubre sa ugali ng isa’t isa sa isang taon nilang pagsasama.

“Na-discover ko na sobra talagang hindi siya mareklamo. Ang dami niyang ginagawa na parang nararamdam ko ‘yung care like kunwari ayoko uminom ng vitamins, sasabihin ko, ‘Ayoko uminom kasi ikaw kailangan magbigay,’ so binibigay niya talaga ‘yung vitamins. So parang little things like that. ‘Yung nararamdaman ko talaga na may alaga siya. Nalaman naman niya na ako ‘yung mareklamo .”

Ano pa ang na-discover ni Yael sa kanya?

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

“Siguro nu’ng umpisa talaga nahirapan ako mag-adjust kasi hindi ko gawain talaga ‘yung gawaing bahay. ‘Yun ‘yung pinaka-big adjustment for me but aside from that, I don’t know kung ano’ng na-discover niya sa akin,” natawang sagot ni Karylle.

Nakatuon ang panahon ni Karylle ngayon sa paggawa ng kanyang sixth album at aminado siyang si Yael ang kanyang inspirasyon sa music side dahil napaka-passionate musician nito.

“Masaya kasi minsan ‘pag andu’n siya sa bahay naggigitara tapos gumagawa naman siya ng songs, minsan sasabihin ko, ‘Puwede mo ba ako i-meet sa baba?’ ‘tapos sasabihin niya, ‘Sandali gumagawa ako ng kanta.’ Gets ko naman ‘yun, so minsan hindi naman siya inggit pero gusto ko naman lumevel sa kanya na he doesn’t stop making songs kasi madali naman sabihing na-writer’s block ka, di ba? Pero ayokong mangyari ‘yun dahil nakikita ko na siya sulat lang siya nang sulat nang sulat. ‘Pag minsan nag-uusap kami kukunin niya ‘yung phone ‘tapos voice recorder, gagawa na naman ng song. So ‘yung voice recorder namin kung anu-anong snippets of songs. It’s really challenging and inspiring at the same time,” kuwento pa ni Mrs. Yuzon.

Bukod kay Yael, na-inspire din daw siya sa ginagawa no’ng makasama nito minsan ang OPM belter na si Dulce no’ng minsan itong naging juror sa It’s Showtime.

“Sobrang na-inspire ako. I enjoyed it so, so much. Lalo na kasi nanggaling kami sa Stars on 45 na magkatabi kami ni Miss Dulce ang dami kong natututunan sa kanya like about anything and she’s so appreciative and she’s so in the moment so being with her in Musicale, seat mate ko na naman siya sa dressing room so grabe, nakaka-inspire siya kasama and nakikita ko pa siya mag-perform ng Himala so sabi ko, ‘Wala, kailangan ko pa gumawa ng gumawa ng gumawa.’ Minsan nakakatakot, minsan hindi mo alam kung kakasya ba siya sa schedule mo pero kakayanin at pagkakasyahin,” sey ni Karylle.

Marami rin daw pagbabago sa kanyang buhay ngayong siya’y Mrs. Yuson na.

“Before hindi naman ako talaga kikay. So I didn’t really put much attention on my looks. Kumbaga parang now that I’m married, I feel like I should try more and be more and just really take care of myself more. Kasi, wala, parang gusto ko lang na palaging maganda. Although Yael’s very sweet na may pimple na ako diyan ‘tapos tatanungin ko, ‘Kita ba ‘yung pimple?’ ‘tapos sasabihin niya, ‘Wala naman akong nakikita.’ So he’s very sweet that way. Pero as a wife I feel like it’s my responsibility to just take care of myself,” masayang pagtatapos pa ni Karylle.